Home ENTERTAINMENT Sue, ipinakilala na sa mga magulang ni Dom!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Sue, ipinakilala na sa mga magulang ni Dom!April 13, 2025 09:02 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines – Tapos na! Finished na! May nanalo na!Ganito kung magbunyi ang mga tagahanga nina Sue Ramirez at Dominic Roque mataposbumalandra sa social media ang ilang “meet the parents” photos ng couple.Posted on the Instagram page crazy for domin.sue, nagkagulo ang mga netizens to the point na celebratory ang mood ng mga ito.Paano ba namang hindi, finally nakadaupang-palad na ni Sue ang mga magulang ni Dominic.Makikita sa mga larawan na magkatabi si Sue at ang ina ni Dom.On the other side ay ang ama at si Dom who’s in his casual sporty look.“Bagay na bagay” ang nagkakaisang comment ng mga netizens patungkol sa mga photos.Eh, pag ganoon nga naman ay ano ang dapat asahan?Ano pa kundi may basbas mula sa mga magulang ni Dom ang relasyon ng anak!Netizens are waiting with bated breath kung kailan naman daw makakasama ng magkasintahan ang partido ni Sue.Pamamanhikan na kaya ‘yon if ever?Alalahanin natin that Dominic was one step closer to getting married to Bea Alonzo until they broke up in 2023. Ronnie Carrasco III