Manila, Philippines – Open pala si JK Labajo na makipag-collab with other artists even those na nakasamaan niya ng loob in the past, kasama na rito si Darren Espanto.
Matatandaang umabot pa nga sa demandahan ang isyu sa kanila ni Darren noon.
If ever daw na may show producer na interesado silang kunin, JK welcomes the idea.
Ani JK, both of them are mature enough to leave their “ugly past” behind.
Mas okey rin daw na magkaroon ng pag-aayos, at itapon na ang lahat ng negativity.
Ang tanong, with JK’s willingness to collab with Darren ay maisip kaya ng mga negosyante na ipagprodyus sila ni Darren ng concert?