Home ENTERTAINMENT Jo Koy, nabaliw sa traffic sa Manila!

Jo Koy, nabaliw sa traffic sa Manila!

190
0

Manila, Philippines- Mukhang trauma yata ang inabot ng Filipino-American standup comedian na si Jo Koy nang makarating sa bansa nitong April 2, Martes.

Nasa itinerary ng tanyag na standup comedian ang guesting sa It’s Showtime partikular na sa Ansabe segment.

Documented ni Jo Koy ang kanyang biyahe.

Lulan sila ng kanyang sister na si Gemma ng sasakyan na minamaneho ng kanilang pinsan.

Sey niya sa video: “On our way to do the press but this Manila traffic is different!”

Ewan daw niya kung paanong tine-take ‘yon ng kanyang pinsan, as in braving the heavy street traffic.

“How do you do it and don’t get scared?” tanong niya sa cousin-driver.

Dagdag pa ni Jo Koy: “This is crazy! There are no street lines!”

Ang tinutukoy niya’y mga road markings.

Napansin kasi niyang barubal ang ilang mga motorista.

“If you fit, you go!” as Jo Koy addressed the persons behind the steering wheels.

Himself having directly experienced the horrors of Manila traffic, for sure ay gagamiting subject ito ni Jo Koy sa kanyang mga comedy sketch.

Hindi lang mga galing sa ibang bansa ang nagrereklamo sa traffic sa Metro Manila, kahit tayong mga tagarito na nga’y dumadaing sa hindi malutas-lutas na problemang ito!

Real talk lang. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here