Manila, Philippines- Basag na basag ngayon sa mga netizens ang magkasintahang Sunshine Cruz at Atong Ang.
Ito’y matapos i-upload ng isang Leon Dacio sa Facebook ang video kung saan lulan ang couple ng isang helicopter.
Sa isang undisclosed cockpit arena ang destinasyon ng aktres at negosyanteng nobyo.
Ayon sa naiulat, sa kabila raw ng 27.2% ng mga Filipino families o katumbas ng 7.5 million households na dumaranas ng involuntary hunger ay nakuha pang ibuyangyang ng couple as “they arrived in style at an undisclosed cockpit arena.”
Pagbaba nga ng helicopter ay sinalubong sila ng kanilang mga supporters sabay in-usher papaloob ng sabungan.
Sa kabila nito y may mga dumepensa naman sa couple.
Ayon sa mga netizens, public knowledge na naman ang estado sa buhay ni Atong.
Hindi rin naman daw intensyon ng magkasintahan na ipamukha sa
ating mga kababayan ang kanilang lifestyle.
At kung anuman meron ang couple ay tiyak namang pinagsumikapan nila ‘yon at hindi nagmula sa maruming paraan.