Home NATIONWIDE Mayorya ng Filipino voters naniniwalang magkakaroon ng malawakang vote buying – sarbey

Mayorya ng Filipino voters naniniwalang magkakaroon ng malawakang vote buying – sarbey

MANILA, Philippines- Naniniwala ang mayorya ng mga botanteng Pilipino na maglilipana ang vote buying sa May 2025 elections, ayon sa resulta ng pinakabagong OCTA Research Tugon ng Masa (TNM) survey na ipinalabas nitong Huwebes.

Isinagawa ng OCTA Research poll, mula February 22 hanggang 28, 2025 gamit ang face-to-face interviews, makikitang 66% ng registered voters ang naniniwalang magiging malawakan ang vote buying sa midterm polls habang 34% ang naniniwala taliwas dito.

Lumabas din sa parehong OCTA Research poll na 68% ng registered voters ang naniniwalang magkakaroon ng negatibong epekto ang vote buying sa May 2025 elections, mas mataas sa 32% na taliwas dito.

Ang OCTA Research poll ay mayroonf 1,200 lalaki at babaeng respondents na edad 18 taong gulang pataas.

Ang margin of error ay ±3% sa 95% confidence
level. RNT/SA