MANILA, Philippines- Ipinalabas ng International Criminal Court (ICC) sa Pre-Trial Chamber 1 ang mga obserbasyon nito kaugnay ng partisipasyon ng mga biktima sa war on drugs na ipinatupad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa dokumentong may petsang April 2, 2025, iprinisinta ni Division of Judicial Services director Marc Dubuisson, sa ngalan ni ICC Registrar Osvaldo Zavala Giler, ang mga obserbasyon sa mga sumusunod na usapin:
ang admission process para sa mga aplikanteng nais makibahagi sa proceedings;
application forms; identity documents; at
legal representation ng mga biktima.
Ayon sa Registry, inirekomenda ng Victims Participation and Reparations Section (VPRS) ang pagpapatupad ng standard victim admission process na kilala bilang “A-B-C Approach,” na sinusunod ng iba’t ibang ICC Chambers sa mga ibang kaso.
Base sa ICC website, sa “A-B-C Approach” tinutukoy ng Registry ang mga aplikante sa tatlong kategorya:
“Group A – applicants who clearly qualify as victims;
Group B – applicants who clearly do not qualify as victims; and
Group C – applicants for whom the Registry could not make a clear determination for any reason.”
“The A-B-C Approach offers practical benefits, as observed in the aforementioned proceedings. This equally applies to the present proceedings. It allows the parties and the Chamber to focus on pre-assessed unclear or ambiguous issues arising from victim applications in a grouped fashion,” wika ng Registry.
“Importantly, the A-B-C Approach prioritizes meaningful victim participation while safeguarding the victims’ well-being and dignity without causing undue delays,” dagdag nito.
Noong nakaraang linggo, isinumite ng Office of the Prosecutor sa ICC Pre-Trial Chamber 1 at defense team ni Duterte ang ebidensya para sa crimes against humanity charges na inihain laban sa kanya.
Kasalukuyang nakaditine si Duterte sa ICC prison sa The Hague, Netherlands upang humarap sa mga kasong crimes against humanity para sa kanyang war on drugs.
Umabot ang mga nasawi sa 6,000 batay sa police records, subalit sinabi nghuman rights na pumalo ang mga napatay sa 30,000, kabilang ang vigilante killings. RNT/SA