Home NATIONWIDE Job fair para sa ex-POGO workers muling ikakasa ng DOLE

Job fair para sa ex-POGO workers muling ikakasa ng DOLE

MANILA, Philippines – Muling magsasagawa ng special job fair ngayong buwan sa Pasay City ang Department of Labor and Employment -National Capital Region para sa mga manggagawa ng Philippine offshore gaming operators (POGO) na nawalan ng trabaho .

Sinabi ng labor department na ang dalawang araw na aktibidad ay gaganapin sa Nov.19 at 20 mula alas 9 ng umaga hanggang 4 ng hapon sa SM Mall of Asia (MOA) Music Hall.

“There will be another DOLE job fair meant for POGO workers affected (by the ban),” sabi ng ahensya.

Ang mga interesadong indibidwal ay maaring nagrehistro online sa https://tinyurl.com/projectdapat.

Hinihikayat din ang mga naghahanap ng trabaho na maghanda ng mga dokumento sa pre-employment kasama ang kanilang mga resume, bukod sa iba pang mga kinakailangan.

Noong nakaraang buwan, nagsagawa ang DOLE ng magkasabay na special job fair sa Parañaque City at Makati City, kung saan 13,744 na oportunidad sa trabaho ang inaalok ng 108 employer.

May kabuuang 340 manggagawa ang nagparehistro para makilahok sa kaganapan, kung saan 33 naghahanap ng trabaho ang agad na natanggap. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)