MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang tulak na droga makaraang kumagat sa patibong ng mga tauhan ng Antipolo City Municipal Police Station dakong alas-6:00 nitong Miyerkoles sa Antipolo City.
Kinilala ni Antipolo City Chief of Police, PLt. Col. Ryan Lopez Manongdo, ang suspek na si Antonio Elamparo Jr. alyas Biboy 28-anyos ng Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.
Sa ulat, nauna nang naaresto nakaraang linggo ng Antipolo City PNP ang binabagsakan ng suspek. Dahil dito nakita ng operatiba ang usapan ng suspek sa cellphone kung sino ang kontak nito.
Dito na nakipag-ugnayan ang police asset kay Elamparo at nang kumagat ito ay kaagad na bumuo ng team si Lt.Col. Manongdo na pinangungunahan ni PCapt. Carlo P. Tamondong sa pakikipag-ugnayan ng Philipine Drug Enforcement agency (PDEA).
Sa panayam ng Remate kay PCapt. Tamondong, kumagat ang suspek sa police asset na merong naghananap at mababagsakan na ganyan kalaking halaga sa Antipolo City.
Napagkasunduan ng suspek na magkikita sila ng buyer sa kahabaan ng Marcos Highway ng Barangay Mayamot. Nang maiabot na ng police poseur buyer ang marked money sa suspek ay dito na nagbigay ng hudyat sa kanyang mga kasamahan na nagresulta ng kanyang pagkaaresto.
Nakuha sa suspek ang pinaghinlaang shabu na may timbang na 155 gramo na nagkakahalaga ng P1,054.000.00 android cellphone, itim na coin purse at limang piraso na tig-iisang libo na ginamit na buy bust money.
Sa ngayon ay nakakulong ang suspek sa Antipolo Lock-up jail habang hinahanda ang kasong paglabang sa Republic At 9165 o mas kilala sa Comprehensive Dangerous Druc Act of 2002. Toto Nabaja