Home ENTERTAINMENT Sang’gre, malabong ma-target ang airing date!

Sang’gre, malabong ma-target ang airing date!

Manila, Philippines- Ang Sang’gre ang nakatakdang kapalit ng Pulang Araw sa GMA.

Malamang, sa December magwawakas ang historical action-drama series.

Kung nasusubaybayan kasi ito sa Netflix, may 100 episodes lang ito.

After which nga’y ieere na ang sequel sa Encantadia na Sang’gre.

But looks like hindi ito aabot sa itinakdang iskedyul ng pilot week.

Sa pagbibitiw kasi ng direktor nitong si Mark Reyes reportedly over budget concerns ay sina Rico Gutierrez at Enzo Williams ang pumalit sa kanya.

As a consequence, ang gusto raw mangyari nina Rico at Enzo ay i-reshoot ang lahat ~ mga eksenang eere sa pilot week.

In that case, another gastos na naman ‘yon.

Itatapon pang lahat ang mga nakunan nang eksena!

Balita kasing hindi gaanong masaya ang pamunuan ng GMA nang pinanood nila ang pilot week.

As in dismayado sila sa kinalabasan to think na ginastusan pa ito nang todo-todo.

Maging ang scripting din daw ay pinabago nina Rico at Enzo.

Since this will entail longer time, hindi ba muna Sang’gre ang ipapalit sa Pulang Araw?

Chances are, baka raw ‘yung Mga Batang Riles kung saan kasama si Miguel Tanfelix ang pumalit sa liwang time slot ng Pulang Araw.

For all the viewers know, baka ito pa ang mas sumipa sa ratings over Batang Quiapo. Ronnie Carrasco III