Home NATIONWIDE PH-US relationship sisigla pa sa Trump admin – DFA

PH-US relationship sisigla pa sa Trump admin – DFA

MANILA, Philippines – MASIGASIG ang gobyerno ng Pilipinas na dalhin ang alyansa nito sa Estados Unidos sa “even greater heights” sa ilalim ni President-elect Donald Trump.

Sa katunayan, looking forward si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na makatrabaho ang kanyang American counterparts sa ilalim ng administrasyon ni Trump.

“The Philippines reaffirms its commitment to continue working with the United States to advance Philippines-US relations. I look forward to working with our counterparts in bringing our alliance to even greater heights under the administration of President-elect Donald Trump,” ang sinabi ni Manalo.

Sa kabilang dako, nagpaabot naman ng pagbati si Manalo sa Estados Unidos para sa matagumpay na pagdaraos ng presidential elections noong Nobyembre 5, muli nitong pinagtibay ang “robustness of American democratic values and institutions.”

Sa ulat, muling makababalik ng White House si US President Elect Donald Trump, matapos siyang magwagi kontra kay incumbent US Vice President Kamala Harris nitong Miyerkules, Nobyembre 6, 2024 (araw sa Pilipinas).

Si Trump ang ika-47 Pangulo ng Estados Unidos na minsan na ring namuno sa naturang bansa noong 2017 hanggang 2021, bilang ika-45 Presidente nito.

Matatandaang noong Nobyembre 2022 nang ianunsyo ni Trump ang kaniyang interes sa pagtakbo sa 2024 US Elections.

Sa muling pagkapanalo ni Trump, ayon sa ulat ng isang international media outlet, isa sa mga nakatakda niyang paigtingin ay ang foreign policy ng Estados Unidos, lalo na raw ang tindig nito sa pagitan ng giyera ng Israel at Hamas, gayundin sa umano’y “strategic independence” nito kontra China. Kris Jose