MANILA, Philippines – Nakipagtulungan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa University of the Philippines (UP) at University of the Philippines Alumni Association (UPAA) bilang localized Public Employment Service Office (PESO).
Ayon sa DOLE, inilunsad noong Biyernes ang job placement office (JPO) sa “Ang Bahay ng Alumni,” UP Diliman, Quezon City at dinaluhan ng mga opisyal ng DOLE at UP.
Nakatuon ang inisyatiba sa pagtulay ng mga pagkakataon para sa mga mag-aaral ng UP, mga alumni nito, at sa mga nakapaligid na komunidad, habang pinapalakas ang pangako ng unibersidad sa holistic na edukasyon at propesyonal na kahusayan.
Bilang isang lokal na PESO sa loob ng unibersidad, ang UP-JPO ay magsasagawa ng non-fee charging ng mga serbisyo sa pagtatrabaho, mga serbisyo sa pagpapadali sa trabaho, tulad ng testing, referral, placement, employment at career coaching, at iba pang kaugnay na serbisyo.
Pinapayagang magsagawa ng job and livelihood fairs, career orientation at employment coaching activities tulad sa local government unit (LGU) PESO activities para sa kanilang constituents.
Pinasinayaan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang aktibidad kasama ang ilang opisyal ng DOLE-NCR at mga opisyal ng unibersidad.
Bago ang paglulunsad, ang UPAA ay pumasok sa isang tripartite agreement sa DOLE at UP noong Disyembre 11, 2023 nina UP President Angelo Jimenez, Aranton, at Laguesma.
Nauna rito, isang serye ng mga konsultasyon ang isinagawa, kasabay ng capacity development at training sessions para sa mga tauhan ng UP-JPO, gayundin ang mga pagsasaayos ng opisina bilang paghahanda sa opisyal na paglulunsad.
Ang inisyatiba ay isang pilot project sa DOLE at UP Diliman dahil nilalayon nilang gayahin ang UP-JPO sa lahat ng iba pang kampus sa Pilipinas. Jocelyn Tabangcura-Domenden