CEBU CITY-KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang waiter na mahilig sa matabang babae matapos ireklamo ng isang babae makaraan dakmain umano nito ang ari ng huli, kahapon ng madaling araw, Disyembre 6 sa lungsod na ito.
Nahaharap ngayon sa kasong acts of lasciviousness ang suspek na itinago sa pangalan Anthony, 29, at taga Sitio Kamanggahan, Barangay Guadalupe, ng nasabing lungsod.
Personal na nagtungo sa himpilan ng Guadalupe Police station ang biktima na itinago sa pangalan Mariz, 29, ng nasabing barangay para pormal na magsampa ng reklamo laban kay Anthony.
Base reklamo ni Mariz, nakikipag-inuman siya sa kanyang mga kaibigan habang nakikipag-inuman din ang suspek sa mga kasama nito.
Sa gitna ng inuman, naispatan ng suspek ang matabang kasama ng biktima kaya lumipat ito sa mesa nina Mariz subalit nalaman niyang may-asawa na ang kanyang natipuhan na babae.
Dito, nakita niya si Mariz na lasing kaya lumipat ito ng upuan katabi ng una.
Ani, Mariz, bigla na lamang dinakma ng suspek ang kanyang ari at hinawakan ang kanyang dibdib kaya agad itong nagtungo sa himpilan ng pulisya at inireklamo ang suspek.
Sa himpilan ng pulisya, todo-tanggi naman ang suspek at aksidente lamang niyang nahawakan ang maselang bahagi ng katawan ng biktima at humihingi siya ng despensa.
Inamin naman ng suspek na kursunada niya nag babaeng mataba na kasama nina Mariz kaya lumipat ito sa kanilang lamesa. Mary Anne Sapico