Home ENTERTAINMENT John Arcilla, napamura sa Senado!

John Arcilla, napamura sa Senado!

298
0

Manila, Philippines- Sobrang disappointed si John Arcilla sa kinahinatnan ng Senate hearing ukol sa impeachment complaint kay Vice President Sara Duterte.

Dahil d’yan, napamura si John sa kanyang post sa X (dating Twitter).

Sa palagay kasi ni John, mga tanga at bobo ang tingin ng mga senador sa mga Pinoy.

Narito ang kanyang statement na ipinost sa X, “Dumb Dumber Dumberer Dumberest and Dumberestest.

“Nakakaputang ina.

“Ang nakakakilabot merong alam mo na hindi naman talaga TANGA pero nagtatanga-tangahan kasi TANGA at MANGMANG ang tingin nila sa mamamayang Pilipino.”

Ibinalik kasi muli ng Senado sa House of Representatives ang impeachment complaint kay Vice-President Sara.

Sinang-ayunan si John ng netizens sa mga sinabi nya sa kanyang post.

“Totoo po. Yun ang mas nakakapikon, nagtatanga-tangahan sila para pumabor sa kanila ‘yung narrative.”

“That’s why many people should re-watch Heneral Luna this Independence Day. PI, not in the way the former president says it, but the way your character said it.”

“Sad reality.”

May panawagan din ang netizens sa samahan ng mga aktor sa bansa.

“Sana ang Actors Guild KAPPT, magkaron ng statment kay Robin Padilla at Lito Lapid, na wag naman idamay ang buong bansa sa mga kabbohan nila.

“Pwede naman kasi mag-YouTube na lang or ma-feature sa Julius Babao ang mga laos, ba’t naman kasi kelangan pa magpolitiko susmaryosep.”

Sabeee? Julie Bonifacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here