MANILA, Philippines- Nagsagawa ng kilos-protesta ang ilang progresibong grupo at mga organisasyon ngayong Independence Day sa kahabaan ng T.M. Kalaw Avenue sa Ermita, Manila City nitong Huwebes.
Mahigit 2,000 raliyista ang nakiisa sa demonstrasyon laban sa tinawag nilang “negative effects” ng Balikatan exercises sa kanilang mga kabuhayan.
Tutol din sila sa pinaigting na military intervention ng United States sa Pilipinas at umano’y pakikipagsabwatan sa patuloy na pag-atake ng Israel sa Palestine.
Isinigaw din nila ang “convict”, tinutukoy ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
Agad hinarang ng Manila Police District (MPD) operatives ang mga militanteng grupo at nag-alisan na ng ala-1 ng hapon.