Home ENTERTAINMENT John, pumalag sa isyu nila ni Barbie; Anabelle, nag-react!

John, pumalag sa isyu nila ni Barbie; Anabelle, nag-react!

Manila, Philippines- “Kalokohan!”

Ito ang marling paglalarawan ni John Esstrada sa tsikang kumakalat sa Facebook na pinopormahan niya si Barbie Imperial.

Sa kanyang Instagram, pumalag si John sa aniya’y naglipanang fake news.

Hindi raw alam ng aktor kung saan at sino ang nagkakalat nito.

Pag-amin pa niya, kilala lang niya si Barbie bilang artista pero hindi on a personal level.

Oo nga raw at magkasama sila sa Batang Quiapo, pero magkaiba raw sila ng unit.

Pero inamin ni John na minsan nang nagkrus ang landas nila ng napapabalitang nobya ni Richard Gutierrez.

Taong 2021 o 2022 raw ‘yon sa Christmas special ng ABS-CBN at hindi na nasundan pa.

Pakiusap ni John sa mga fake news peddler na magsaliksik muna ng ibabalita.

Puwede nga raw aniyang maging komedyante ang nasa likod ng pagkakalat nito.

Nag-react na rin kasi umano si Annabelle Rama, ina ni Richard, na tila pabor sa relasyon umano ng anak kay Barbie.

Ani Annabelle patungkol kay John: “Manahimik ka na, mahiya ka naman…ang tanda mo na!”

Ngayon ay maliliwanagan na tiyak ang palabang celebriity mom. Ronnie Carrasco III