Home ENTERTAINMENT John, tanggap na ang pagsibak sa BQ!

John, tanggap na ang pagsibak sa BQ!

Manila, Philippines – Maaaring maapektuhan ang karakter ni John Estrada sa Batang Quiapo sa appeal ng mga magulang na hindi sang-ayon sa umano’y mga kinikilos ng aktor at Barbie Imperial sa taping, huh!

Dagdag pa na maaring na pressure na rin ang mga namamahala ng “Batang Quiapo” sa mga komento ng mga televiewers na kung saan maaring nagdulot ng pangamba ukol sa impluwensiya ng palabas sa kabataang idolo ang mga karakter nito.

Sa ipinakitang pinakabagong teaser ng Batang Quiapo ay napanood na malapit nang matapos ang character ni John bilang Rigor.

Halatang papatayin ni Tanggol, na ginagampanan ni Coco Martin, si Rigor matapos malaman na hindi pala siya ang tunay niyang ama.

Nang tanungin tungkol sa pag-exit ni John, banggit ng source na sinusunod lang daw ang story line, huh!

“Bahagi ito ng storyline. Napag-usapan na ito nina John at Coco, at tanggap naman ito ni John,” sey pa nito.

Pero maaaring malaki pa rin ang kinalaman ng kontrobersya nina John at Barbie kahit na sinasabi ng ilang insiders na ang desisyong ito ay bahagi pa rin ng orihinal na plano ng palabas.

Well, abangan na lang natin dahil marami pang kaabang abang na mangyayari sa number one primetime show na Batang Quiapo, huh!

Ngayon pa lang ay marami nang umalma na tagahanga ni John, huh! Jimi Escala