Home NATIONWIDE Joint affidavit ng 18 “bagmen”, dapat paghiwa-hiwalayin – Ombudsman

Joint affidavit ng 18 “bagmen”, dapat paghiwa-hiwalayin – Ombudsman

3
0

MANILA, Philippines – Ipinahayag ng Office of the Ombudsman na bukas ito sa posibilidad na palalimin pa ang imbestigasyon sa mga alegasyon ng umano’y dating bodyguards ni fugitive lawmaker Zaldy Co sa flood control controversy, ngunit kailangan muna ng sapat na ebidensya.

Ayon kay Ombudsman lawyer Karen Batu, hindi sapat ang joint affidavit ng grupo at kinakailangan ang hiwa-hiwalay na sinumpaang salaysay ng bawat isa upang matukoy ang kanilang personal na kaalaman sa mga akusasyon.

“Yes, because it’s like collective, it’s just a joint affidavit,” ani Batu.

Dagdag niya, “Hindi puwedeng lahat sila iisa lang ang sinasabi… others hindi naman din present.”

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Batu na kung maayos at sapat ang individual affidavits, maaaring ituloy ang preliminary investigation. Kung hindi pa rin sapat, maaari itong i-refer sa field investigation office para sa fact-finding.

Sinabi naman ng National Bureau of Investigation (NBI) na tinangkang kunin ang hiwa-hiwalay na salaysay ng mga dating bodyguards ngunit tumanggi umano ang mga ito na pumirma.

“We can’t go to the legal route because of what they said… they refused to sign,” ayon kay NBI Director Melvin Matibag.

Samantala, iniulat ni DOJ Prosecutor General Richard Fadullon na 14 na flood control-related cases na ang na-endorsed sa DOJ para sa preliminary investigation, at 13 dito ay naresolba at naipasa na sa Ombudsman. Ilan sa mga kaso ay naihain na rin sa korte.

Ayon pa sa DOJ, ₱841.38 milyon na pondo ng gobyerno ang na-recover na at na-turn over sa Land Bank, habang pitong indibidwal ang nasa Witness Protection Program. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here