Home ENTERTAINMENT Jojo Mendrez, kinukumpara kay Kuya Will!

Jojo Mendrez, kinukumpara kay Kuya Will!

Manila, Philippines – Bongga ang tinaguriang Revival King na si Jojo Mendrez. Ang pakulo kasi niyang Libre Na To ay patok na patok at pinag-usapan.

Ito yung kawanggawa niya na kapag nasaktuhan niya o may naispatan siya sa isang restaurant, grocery, department store, fast food, palengke, sinehan, o kainan ay siya na ang magbabayad at sisigaw ng “Libre Na To”.

Siyempre, magugulat at masaya ang mga tao na ililibre sila ni Jojo, ‘di ba?

Marami nga ang nakapansin na bukal daw sa loob niya ang pagtulong.

Iba raw siya kay Willie Revillame dahil cool lang siya at di raw nanunumbat sa mga naitulong.

May naguudyok kay Jojo na gawin itong TV show bagay na pinag-iisipan na niya.

‘Pag nagkataon, may makakalaban na si Willie.

Samantala, kahit abala sa kanyang kawanggawa at nililibot maging ang mga karatig probinsiya ay hindi pa rin niya nakakalimutang i-promote ang kanta niyang “Nandito Lang Ako” na halos nasa 20M na ang views sa kanyang mga social media accounts.

Malapit na ring mapakinggan ang version niya ng “I Love You Boy” na unang pinasikat ni Timmy Cruz. Rommel Placente