PANGASINAN – Swak sa kulungan ang 56-anyos na construction worker na kasama sa mga listahan ng National Most Wanted Individual matapos maaresto sa lalawigang ng Pangasinan kahapon, Mayo 21.
Sa inilabas na Press Release ni Police Lt. Col. Benigno C. Sumawang, Chief ng RPIO ng Police Regional Office 1, ang suspek na may DILG Reward o patong sa ulo na P135,000.
Inaresto ang suspek dahil sa kasong kinahaharap nito sa korte na Murder with no bail required.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay ikinasa ng mga pinagsanib na puwersa mula sa Bauang MPS (lead unit), TSC RMFB1, RID 1, RIU1, LUPIU at 1st LUPMFC sa pakikipag-ugnayan nila sa Mabini MPS.
Pinuri ni PRO1 Regional Director Police Brig. Gen. Lou F. Evangelista ang kanyang mga tauhan para sa matagumpay nilang pag-aresto sa most wanted na indibidwal.
“Our community can rely on the strengthened implementation of our initiatives to ensure a safe and secure homeland,” wika ni Evangelista. Rolando S. Gamoso