Home NATIONWIDE Jojo Nones laya na mula sa Senate detention

Jojo Nones laya na mula sa Senate detention

MANILA, Philippines- Pinakawalan na si Jojo Nones, ang independent contractor na umano’y sangkot sa naiulat na pananamantala kay Sandro Muhlach, mula sa Senate detention.

Ito at matapos sumulat ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada kay Senator Robin Padilla, chairperson ng committee on public information and mass media, na hindi niya tututulan ang pagtanggal ng kanyang kautusan na pag-aresto at detensyon kung irerekomenda ng komite para sa “humanitarian considerations.”

Ani Estrada, tinatanggap niya ang written apology na ipinadala ni Nones at inaalala rin umano niya ang kalusugan at mental health ni Nones.

Nilagdaan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang release order ni Nones noong Miyerkules ng hapon.

Sa liham para kay Estrada sa pamamagitan ni Padilla na may petsang Agosto 27, humingi ng paumanhin si Nones para sa kanyang asal sa  Senate hearing nitong Martes.

“I recognize that my words and tone may have come across as disrespectful and I deeply regret allowing my emotions to get the best of me,” saad sa liham ni Nones.

“The anxiety and stress I’ve been experiencing due to my detention unfortunately clouded my judgment and I did not express myself in the matter intended. Please know that it was never my intention to be disrespectful to you or the Senate,” dagdag niya.

Nitong Martes, napikon si Estrada kay Nones matapos makailang-ulit na tumangging sagutin ang mga katanungan sa Senate hearing sa iniulat na rape incident sa aktor na si Sandro Muhlach.

Sinabihan ni Estrada si Nones na kumuha ng court order upang makalaya sa Senado.

Nakaditene si Nones sa Senado mula Agosto 19. RNT/SA