Home OPINION PAALALA NG SSS: SS NUMBER PANATILIHING CONFIDENTIAL

PAALALA NG SSS: SS NUMBER PANATILIHING CONFIDENTIAL

Huwag ipaalam sa iba at panatilihing “confidential” ang inyong SS number, My.SSS account user id at password at disbursement account.
Kung hindi kayo marunong gumamit ng SSS apps, maaari kayong pumunta sa mga sangay ng SSS, may mga officer on duty na sasagot sa mga katanungan ninyo at tutulungan kayo makapag-sign in sa inyong account.
Kung may nagpadala ng email, huwag i-click ang link sa mga mensahe sa email or text message na kadalasang ginagamit ng mga scammer upang makakuha ng personal information (SS number, My.SSS account user id at password, disbursement account at cell phone number).
Siguruhin na ang official email o SMS sender ay galing sa Philippine Social Security System na may email address @sss.gov.ph at kung sa SMS – “SSS”
Huwag makipagsabwatan sa fixers. Ang fixing at/o pakikipagsabwatan sa fixers ay paglabag sa R.A. No. 11199 (Social Security Act of 2018) at R.A. No. 11032 (Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018).
Kung kayo ay naging biktima ng scammers o fixers sa inyong SSS online transactions, hinihikayat namin kayong magsampa ng reklamo at makipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group o National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division.
I-report ang fixers o scammers sa SSS Special Investigation Department:
Email   : [email protected]
Tel No. : (02) 89247370, (Monday to Friday from 8:00 am – 5:00 pm)
                                   ***
NANUMPA ANG BAGONG
ACTING MEMBER NG SSS
Nanumpa si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido E. Laguesma kay Michael De­mocrito Cañete Mendoza bilang bagong acting member, na kumakatawan sa grupo ng mga manggagawa ng Social Security Commission, ng SSS o Social Security System sa DOLE Central Office sa Intramuros, Manila noong Agosto 19, 2024.