Home ENTERTAINMENT Joshua, nagpasalamat sa mga veterans!

Joshua, nagpasalamat sa mga veterans!

Manila, Philippines- Sa panayam kay Joshua Garcia matapos muling pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN, natanong siya kung anu-ano ang ipinagpapasalamat niya sa loob ng 10 taon niya sa showbiz.

Sabi ni Joshua, “Ang isa sa pinasasalamat ko ay marami akong nakatrabaho na beterano na aktress at aktor.

“Sila yung nagtuturo sa akin kung paano dapat makihalubilo sa mga tao, hindi lang basta sa mga artista. Importante rin ‘yung may relationship ka sa production, sa crew.”

Sina Sylvia Sanchez at Dimples Romana ang dalawa sa mga artistang nakatrabaho niya na sinasabi niya na may malaking influence sa kanya kung paano dapat makisama sa ibang tao.

Dito ay nabanggit din ni Joshua ang relationship niya sa kanyang mga fan, “Tapos how to handle the fans, kasi of course, may mga times na nagsu-shoot kami, nandoon sila, nanonood.

“Pwede mo sila pagbigyan pero pagkatapos na ng shoot, dapat pagbigyan mo,” aniya pa.

Samantala, natanong din si Joshua kung ano ang gusto niyang sabihin sa kanyang younger self.

“Magtiwala ka lang sa mga decisions mo kasi yung pagtitiwala mo sa mga decisions mo, dadalhin ka sa mas magandang lugar.

“’Yun lang din yung ginawa ko sa buong journey ko, eh, nagtiwala lang ako sa decisions ko, nagtiwala lang ako sa gut feel ko.

“Ang daming decision making sa trabaho na to, kung tatanggapin mo or ito ba yung gagawin mo.”

Tungkol naman sa mga pumupuri sa pagiging magaling niyang aktor, ang sabi ni Joshua, napakarami pa niyang gustong gawin at mapatunayan pagdating sa pag-arte.

“Kasi ako mismo hindi ako satisfied, ‘di pa ako puno. Nandu’n pa rin yung gutom ko.

“May bagong nilu-look forward, may bagong goal na sana makagawa rin ako ng ganito, sana makaarte rin ako ng ganito kagaling.

“May ganu’n ako lalo na sobrang competitive ko sa lahat ng bagay.” Rommel Placente