Home ENTERTAINMENT Jowa ngayon ni Bea, ex ni Kylie?

Jowa ngayon ni Bea, ex ni Kylie?

Manila, Philippines- Naninindigan si Ogie Diaz na may bagong inspirasyon na ngayon si Bea Alonzo.

Taliwas ito sa binitiwang pahayag ng Kapuso actress na single siya ngayon.

Pero giit ng talent manager cum vlogger: “Hawak ko ang ebidensya! Huwag nang magsinungaling!”

Tigas si Ogie na walang masama kung totoo man ang balitang nakarating sa kanya.

On the contrary, masaya pa daw siya para kay Bea who’s apparently moving on with her life.

And speaking of katibayan, ibinahagi nga ni Ogie ang larawan kung saan makikitang nasa airport si Bea.

Solo ang aktres na naglalakad sa ‘di kalayuan.

Mag-isa ring naglalakad ang mukhang foreigner na lalaking nakasuot ng jacket.

Pinaniniwalaang lulan sila ng Cathay Pacific.

Nauna nang naiulat na half-Pinoy half-foreigner ang umano’y bagong nobyo ni Bea.

Sa masuri pang pagsasaliksik, napag-alamang tumutukoy ‘yon sa identity ng ex-boyfriend ni Kylie Versoza na si Michael Needham.

Dating nobyo ng beauty queen-turned-actress si Michael bago si Jake Cuenca.

Totoo kaya? Ronnie Carrasco III