Home ENTERTAINMENT Jowa ni Carlos, inulan ng bash, mukha raw bading!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Jowa ni Carlos, inulan ng bash, mukha raw bading!August 7, 2024 15:45 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Paris, France – Tila kaagaw pa ng Paris Olympics double gold medalist na si Carlos Yulo ang nobya niyang si Chloe San Jose.Si Chloe kasi ang pinag-iinitan ng mismong ina ni Caloy na si Angelica na kaalitan ng anak sa pera.‘Yun ay kung uugatin how their family feud all began.Ayon sa bersyon ng “drama queen mother” (ayon sa paglalarawan ni direk Joey Reyes), si Chloe raw ang naglayo kay Carlos sa kanila.Ayaw namang patinag ang obyus na palabang social media star.May sagot din kasi siya sa mga paratang ni Ginang Yulo.Sa gitna ng bardagulang ito, it appears na mas marami pa rin are on Carlos’ side.Sadly, Angelica is depicted as the kontrabida.But wait, maging si Chloe din naman has her share of social media bashing.Magkasintahan pala sila may apat na taon na.It all started from direct messaging with Chloe professing her admiration for Carlos.Mula noon ay naging malimit na ang kanilang komunikasyon until they ended up with each other.‘Yun nga lang, naglipana ang mga tao na ayaw maging masaya para sa kanilang kapwa.Worse, pinepersonal ng mga ito ang kanilang pag-ayaw kay Chloe.Kesyo mukha raw itong bading.Hindi raw bagay o maituturing na odd couple sina Carlos at Chloe.Kinuwestyon pa ng mga bashers ang taste ni Carlos sa babae.Hindi raw ba siya maaaring maghanap ng nobyang hindi blond ang buhok at hindi mas matangkad kesa sa kanya?Eh, bakit kasi pinoproblema nila ang personal na kaligayahan ni Carlos sa halip na maging happy sila for him?Some people nga naman, oo! Ronnie Carrasco III