MANILA, Philippines – Itinumba ang isang sikat na disc jockey at rapper sa probinsya ng Pangasinan, nitong Martes ng gabi, Agosto 6.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Tony Joe Labong Coquia, 33, alyas MC at DJ Sultan Toj, mula sa Barangay Libsong West, Lingayen, Pangasinan.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima at mga suspek, na pawang magkakakilala, ay nagkasundong magkita sa lugar para pag-usapan ang kanilang hindi pagkakaunawaan.
Matapos ang pag-uusap, bumalik ang biktima sa kanyang sasakyan.
Sa kabila nito, sinundan siya ng mga suspek at binuksan ang pinto ng sasakyan saka pinaputukan ang biktima sa harap mismo ng asawang si Jessica, at kaibigang si Terrence Don Buenaventura Gallardo, 24.
Tumakas ang mga suspek sakay ng isang sasakyan at agad naming dinala sa ospital si Coquia kung saan siya idineklarang wala nang buhay.
Ayon sa pulisya, posibleng hindi pagkakaunawaan sa fraternal affiliation ang sanhi ng pagpatay.
Kinondena ni Mayor Belen Fernandez ang pagpatay kay Coquia na siya pang nagcompose ng election campaign jingle nito.
“Napakaaga naman, Tony Joe. Masakit. You will always be remembered as the voice behind everyone’s favorite campaign jingle, ‘Mayor Belen su mayor mi makuli tan masirbi….” RNT/JGC