MANILA, Philippines – Patay ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa 15 minutong engkwentro sa mga sundalo sa Calinog, Iloilo nitong Lunes, Agosto 5.
Hindi pa pinangalanan ng 12th Infantry Battalion ng Philippine Army ang nasawi ngunit posibleng ito ay ranking-leader ng NPA Central Front Committee sa Panay Island.
Narekober mula sa nasawi ay ang M16 rifle, M14 rifle, AK-47 rifle, M203 grenade launcher, Ultimax light machine gun, at tatlong rifle grenades, at ammunition.
Nanawagan ang 301st Infantry Brigade sa mga nalalabing miyembro ng NPA sa Panay Island na sumuko na at bumalik sa lipunan.
Siniguro ni Brig. Gen. Michael Samson, 301st IB commander, ang suporta mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP). RNT/JGC