Home ENTERTAINMENT Jowa ni Enrique, naimbyerna sa TikTok uploader!

Jowa ni Enrique, naimbyerna sa TikTok uploader!

2
0

Manila, Philippines – Nagpupuyos sa galit ang TikTok personality sa social media sa nag-upload ng video ng sighting sa kanila ng nobyong si Enrique Gil.

Sa video, makikitang naglalakad sina Enrique at Andrea sa isang pampublikong lugar.

Napag-alamang nakunan ang video bago ang opening of classes.

Pinapalagay na nakita ni Andrea ang maikling video clip na umiikot sa social media.

Sa X, binarag niya ang uploader at nagpahayag ng kanyang pagkadismaya.

Aniya: “I have no idea who you are, and then you recorded me in public!

“It’s so dystopian to me that people do this. I never expected yall to be on my fucking ass all the time!

“l’ve got stuff in the paper bag that I was holding. Who wants a haul of what I bought?”

Obyus na nakalimutan ni Andrea na ang kasama niya–na si Enrique–ay isang sikat na aktor.

Therefore, Quen naturally attracts public attention.

Mag-isip-isip sana si Andrea bago niya sabihing ang pag-video sa kanya’y isang direct attack sa kanyang privacy.

Heller, nasa public place sila, ‘no!

Mako-control ba ni Andrea ang mga tao na kumuha ng litrato o mag-video.

Kung gusto niya ng kapribaduhan, stay away from the public eye! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here