Home ENTERTAINMENT Jowa ni Nadine, nakatanggap ng recognition, na-bash!

Jowa ni Nadine, nakatanggap ng recognition, na-bash!

Manila, Philippines- Sa kanyang Instagram account, very grateful ang French-Filipino boyfriend ni Nadine Lustre na si Christophe Bariou sa pagkilalang ibinigay sa kanya ng Tatler Philippines bilang Gen. T Leader of Tomorrow 2024 kung saan kasama ring honoree ang magaling at premyadong director na si Zig Dulay mula sa Pilipinas.

Ayon kay Bariou, personal milestone daw sa kanya ang makakuha ng ganoong klaseng award para sa kanyang mga adbokasya tulad ng plant-based lifestyle, animal rights, sustainability at veganism sa bansa.

May isa namang nagmamaldita na tila hindi bilib sa businessman kaya naman nagkomento ito sa kanyang post na: “You should be grateful for having Nadine in your life.”

Nag-react naman si Nadine sa detractor ng, “????” na obvious na hindi nagustuhan ang pagmemenos ng nasabing netizen sa kanyang boyfie.

Umani naman ng samu’t’-saring reaksyon sa mga katekatera at sawsawera ang nasabing post ni Bariou at reaksyon ni Lustre.

May mga nagdepensa sa dyowa ng aktres at meron din namang kinatigan ang punto ng nagpapakatotoong ‘pa-savage’ na commenter.

Ito naman ang ilang sey ng kibitzers.

“True naman. If not for Nadine, makikilala kaya siya ng Tatler? Actually, he should be grateful for the spotlight she has brought to him. Nadine as always is very protective of her loved ones so her reaction is nothing new.”

“Feeling talaga tong mga nadia tards grabe!”

“Siguro naman kaya nya ma-achieve yan without Nadine pero mas me boost of confidence dahil sikat din dyowa nya.”

“Deserve naman ni Christophe na ma-recognize for his advocacies.”

“Kahit nung wala pa c Nadine, mdami na din tlgang project c Christophe sa Siargao nun for locals”

“Marami namang nagawa si dyowa. Actually, minsan low-profile lang.” Archie Liao