Home NATIONWIDE Tolentino nanawagan ng suporta para sa unang Pinay rower na nagkwalipika sa...

Tolentino nanawagan ng suporta para sa unang Pinay rower na nagkwalipika sa Olympics

Pinay rower Joanie Delgaco

MANILA, Philippines- Nanawagan si Senate Majority Leader Francis Tolentino sa publiko na suportahan si Joanie Delgaco, ang pinakaunang Filipina na nagkwalipika sa rowing sa Paris Olympics.

Si Delgaco, 26, tubong Iriga City at aktibong miyembro ng Philippine Navy, ay bahagi ng contingent ng Pilipinas na sasabak sa Paris Olympic Games na magsisimula sa susunod na buwan, Hulyo 26.

“Let us support and cheer for our athletes, including Filipina rower Joanie Delgaco, who will compete in the women’s single sculls in Paris,” anang senador sa kanyang Facebook live.

Ang dating Southeast Asian Games gold and silver medalist ay tumigil muna sa kanyang regular na training sa La Mesa Dam upang mag-courtesy call kay Tolentino.

Si Tolentino ay aktibong sumusuporta sa Filipino athletes at kasalukuyang presidente ng Samahan ng Kickboxing ng Pilipinas.

Nakuha ni Delgaco ang kanyang tiket sa Paris sa pamamagitan ng pagkuha ng ikaapat na puwesto sa 19 bansa sa women’s single sculls sa World Rowing Asian at Oceanian Qualification Regatta na ginanap sa Chungju, South Korea noong Abril 21.  RNT