Manila, Philippines – Richer by P100,000 c/o Playtime si Judy Ann Santos na tinanghal as Best Actress sa recently concluded 50th Metro Manila Film Festival.
Isa ang Playtime sa mga major sponsors ng Gabi ng Parangal, na siya ring naggawad ng P100k sa Best Actor winner na si Dennis Trillo ng Green Bones.
Tinalo ni Judy Ann ang dalawa pang Santos sa nasabing kategorya.
Ang mga ito’y sina Vilma Santos ng Uninvited at Aicelle Santos ng Isang Himala.
Kinabog din ni Juday sina Francine Diaz ng My Future You at Jane de Leon ng Strange Frequencies.
Inialay ni Juday ang kanyang award sa mga co-nominees niya.
Maging sa mga taong naniniwala at hindi sa kanyang kakayahan.
Special mention din ang kanyang asawang si Ryan Agoncillo.
Nagbiro pa si Juday na nagkaroon daw siya ng baywang sa suot niyang gown: “Kaya pagbigyan n’yo na ako!” Ronnie Carrasco III