Home ENTERTAINMENT Julia at Gerald, split na?

Julia at Gerald, split na?

134
0

Manila, Philippines – Sentro ngayon ng mga walang patumanggang ispekulasyon ang magnobyong sina Julia Barretto at Gerald Anderson.

Bunsod ito ng May 23, 2025 post ng aktor kaugnay ng kanyang adventure with his mom and friends at a campsite.

May video pa si Gerald na naliligo sa ilog kasama ang alagang aso.

Ang nakapagtataka, hindi kasama si Julia–thus sparking rumors na hiwalay na ang magkasintahan.

An exchange of convo between two netizens confirmed the breakup.

Sa katunayan, hindi na nga raw pina-follow ng kapatid ni Julia na si Claudia si Gerald sa Instagram.

Still others insist that no breakup took place–sina Julia at Gerald pa rin daw.

It’s just that marami lang daw ganap sa buhay ni Julia lalo na sa kanyang career, kaya hindi nito mapaglaanan ng oras ang nobyo.

Sa mga nagpipilit na break na nga ang dalawa, civil lang daw sina Julia at Gerald sa isa’t isa.

Pinagtatakhan kasi ang huli pang social media post ng couple.

Eto pa raw ‘yung 28th birthday ni Julia last March 10–anong petsa na raw ngayon?

At presstime, neither Julia nor Gerald has spoken about the issue. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here