Home ENTERTAINMENT JulieVer, may lineup na ng godparents sa kasal!

JulieVer, may lineup na ng godparents sa kasal!

168
0

Manila, Philippines – “Nakakontrata” na si Boy Abunda bilang isa sa mga tatayong ninong sa kasal nina Julie Ann San Jose at Rayver Cruz.

Ang plano ni Rayver sa malapit na hinaharap ang naging paksa in his guesting on Fast Talk.

Pambubuyo ni Boy, it’s imperative daw na sa kanyang dally showbiz talk show i-announce ng aktor ang petsa ng pag-isang-dibdib nila ng binansagang Limitless Star.

“At saka kayo po ang isa sa mga ninong namin,” pakli ni Rayver.

Asked who else, ani Rayver ay kasama rin daw sa lineup ang dalawa pang The Clash judges na sina Ai Ai de las Alas at Lani Misalucha.

Sina Boy, Ai Ai at Lani ay mga nakasama ng JulieVer sa nasabing GMA show.

Wala ngang duda that Rayver is looking forward to marrying the woman he’d like to spend the rest of his life with.

As in the actor has long since relegated his past behind him.

Naitanong din kasi ni Boy kung kumusta na ang relasyon ni Rayver sa kanyang mga ex-girlfriends Cristine Reyes and Janine Gutierrez.

Ani Rayver: “Hindi na kami nagkikita. But if there’s a chance, ako pa ang unang lalapit para batiin sila. I’ve no problem with that!”

Principal sponsors: check. Wedding date and other details: to follow. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here