MANILA, Philippines- Inaasahang babawasan ng Department of Education (DepEd) ang bilang ng school days at magsasagawa ng klase sa ilang araw ng Sabado para sa kasalukuyang school year sa gitna ng “agresibong’ pagsusulong na ibalik ang dating academic calendar sa susunod na school year.
“We will be reducing the school days to something like 163. We are considering the conduct of Saturday classes, most likely, but it is not going to be every Saturday,” pahayag ni DepEd Director Leila Areola sa House Committee on Basic Education and Culture sa briefing nitong Lunes.
Para sa Saturday makeup classes, inihayag ni Areola na magsasagawa sila ng konsultasyon sa mga guro, magulang, at mga mag-aaral.
“There will just be certain Saturdays when we need to conduct distance learning so that we will be able to cover the competencies that might not be covered with reduction of the [school days],” wika ng opisyal.
Naisumite na ng DepEd kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang plano nitong ibalik ang lumang academic calendar sa 2025at hinihintay na lamang ang magiging aksyon ng Punong Ehekutibo.
Gayundin, inulit ni Areola sa parehong House briefing ang pahayag ni DepEd Assistant Secretary Francis Bringas sa April 30 Senate hearing na committed ang DepEd sa implementasyon ng mga inisyal na hakbang sa paglipat sa lumang school calendar ngayong taon.
“[Under our proposal] for the school year 2024 to 2025, we are going to start the school year by July 29, 2024. So we are considering March 31 [2025] as the end of the school year. The following school year, 2025 to 2026, we will be starting school by June,” pahayag ni Areola.
Ikinatuwa naman ni Pasig City Representative Roman Romulo, committee chairman, ang pagtutulak ng DepEd na ibalik ang June-to-March school calendar sa gitna ng matinding init sa nakalipas na dalawang buwan na naging dahilan ng ilang class suspensions.
“This [heat] is the fault of nobody. Mainit talaga, at hirap ang mga guro at estudyante,” giit ni Romulo.
“This is a good aggressive push,” dagdag ng mambabatas. RNT/SA