Home NATIONWIDE Mga sundalo ng Pinas, Australia nagsanay sa ‘Kasangga’ drills

Mga sundalo ng Pinas, Australia nagsanay sa ‘Kasangga’ drills

MANILA, Philippines- Nakatakdang sanayin ng pwersang Filipino at Australian ang kanilang kakayahan sa specialized military techniques sa Exercise “Kasangga” 24-1 na binuksan nitong Lunes.

Sinabi ni Philippine Army (PA) spokesperson Col. Louie Dema-ala nitong Martes na pinasinayaan ang drills sa 5th Infantry Division headquarters sa Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.

Halos 100 sundalo mula sa 5th Infantry Division’s 86th Infantry Battalion at 50 Australian Army personnel ang kalahok sa aktibidad na matatapos sa June 21, batay sa opisya.

“(They will train side-by-side) on reconnaissance, mortar, drone operations, logistics, signal operations, jungle and urban, tactical combat casualty care and breaching operations,” wika ni Dema-ala.

Bukod dito, sinabi niyang magbabahagi rin ang mga sundalo mula sa dalawang bansa ng kanilang mga karnasan sa paglaban sa terrorist groups. RNT/SA