Home ENTERTAINMENT Ka Tunying, rumesbak kay Pinky!

Ka Tunying, rumesbak kay Pinky!

304
0

Manila, Philippines- May reaksyon na si Anthony Taberna sa satire video ni Pinky Amador.

Nitong mga huling araw, viral ang video kung saan naglalakad patungo sa store branch ng Ka Tunying’s si Pinky.

Nang tumigil sa harap ng cake shelf ay nagdayalog ito ng: “Bibili sana ako ng fake news.”

Bagama’t nakangising nag-peace sign, nagbabala ang TV/film/stage actress na mag-ingat at maging mapanuri dahil nagkalat ang maling impormasyon.

Obyus na patungkol ‘yon sa bira ni Ka Tunying sa insertions ni Senator Risa Hontiveros sa national budget ng 2026.

Hindi naman ‘yon pinalampas ng brodkaster na nag-post ng: “Ma’am Pinky, wala pong fake news sa amin.”

‘Di pa nakuntento, may ipinost pa siyang quote card na: “Pero try n’yo po ang MALUTONG na at MURA pa na rice cracker.”

The said quote came with a photo of the said product.

Obyus ding ikinunek ito ni Ka Tunying sa naging “rant” ni Pinky noong May 2020, kasagsagan ng coronavirus pandemic.

Kung matatandaan, anim na minuto ang running time ng “pagwawala” ni Pinky, berating an employee of the condominium hotel in Makati where she was staying.

Pinagmumura ng aktres ang empleyado, na hinihingan niya ng memo circular mula sa condotel management allowing the OFWs to use the premises as their temporary facility.

Realizing her ugly behavior, nag-isyu rin ng statement si Pinky who owned up to her mistake.

Aniya, she was simply worried for the health and safety of her fellow tenants.

“Period” na kaya ang isyung ito sa pagitan ng dalawa–o may aabangang resbak mula kay Pinky? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here