MANILA, Philippines- Lumapit ang mga kaanak ng nawawalang beauty pageant contestant na si Geneva Lopez at fiancé nitong si Yitshak Cohen sa National Bureau of Investigation upang humingi ng tulong sa paghahanap sa sa magkasintahan, dalawang linggo matapos mawala ang mga ito.
Ayon sa ulat nitong Biyernes, bumista ang kapatid ni Cohen na si Yaniv, at kapatid ni Lopez sa NBI headquarters.
Ani Yanic, walang binanggit ang kapatid niya na anumang banta o panganib sa kanyang buhay sa huli nilang pag-uusap.
“The only way that he projected about this kind of matter is that [it is] just another progress in his own life as a businessman. He did not show any worry. I guess because he was really feeling comfortable,” pahayag ni Yaniv.
“Coming here for the first time in the Philippines is a little bit sad because I know you have a beautiful country. I was looking forward to coming here next summer to discover this country, and it’s unfortunate that I’m here now and my mission in life is to find my brother,” dagdag niya.
Nagpasalamat naman siya sa inisyatiba ng Philippine law enforcement sa paghahanap sa nawawala niyang kapatid.
“We are looking forward to all the help and support to find my brother as soon as possible. We are working on different channels to basically just solve this case, to bring the family the knowing of what happened. And also to find basically family, to my parents and Geneva’s parents,” pahayag niya.
Samantala, nagbigay na ng sinumpaang salaysay ang real estate consultant na si “Brandon”, na umano’y huling kinatagpo ng magkasintahan.
Itinanggi niyang nagtatago siya at nanindigang propesyonal ang relasyon niya sa magkasintahan.
Boluntaryong nagbigay ng salaysay si Brandon at pumayag na sumailalim sa polygraph test upang patunayang hindi siya nagsisinungaling. RNT/SA