Home METRO Kabayo dedo; 7 sugatan sa karambola ng mga sasakyan

Kabayo dedo; 7 sugatan sa karambola ng mga sasakyan

151
0

SOLANA, Cagayan — Patay ang isang kabayo na ginagawang pampasada at pitong katao ang sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa kalsadang sakop ng Barangay Basi West, Solana, Cagayan.

Nag-overtake umano ang isang pickup sa sinusundang tricycle, dahilan kaya nalipat ito ng linya kung saan parating naman ang isang kalesa.

Sa lakas ng pagbangga, natumba ang kalesa na nabangga naman ng dalawang nakasunod na motorsiklo.

Tumama rin ang pickup sa sinusundang tricycle.

Patay ang kabayo na humihila sa kalesa, habang sugatan ang tatlong pasahero nito, kabilang ang tatlong linggong gulang na sanggol.

Nagtamo rin ng sugat ang mga sakay ng motorsiklo at tricycle.

Samantala, ligtas ang driver ng pickup na umaming inaantok habang nagmamaneho.

— Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here