MANILA, Philippines- Ikakasa ng pamahalaan ang Kadiwa stores at magbebenta ng P33 kada kilong bigas sa housing sites ng National Housing Authority (NHA) simula ngayong buwan, ayon sa general manager nitong si Joeben Tai nitong Lunes.
Sa media forum, inihayag ni Tai na sabay-sabay bubuksan ang Kadiwa stores mula April hanggang May 2025.
Bubuksan ito sa Central Luzon at Region IV, partikular sa San Jose del Monte, Bulacan; Laguna; Naic at Bacoor Cavite; at mga munisipalidad sa Rizal.
Binibigyan ng Kadiwa ng Pangulo program ang mga Pilipino ng access sa abot-kayang bigas at iba pang agricultural commodities, tulad ng gulay, karne, at bigas.
Pormal na ikinasa ng NHA at ng Department of Agriculture (DA) ang porgrama sa memorandum of agreement na nilagdaan noong Masrso.
Magbebenta rin sila ng P33 kada kilo ng bigas sa housing sites, kung saan kada family beneficiary ay maaaring bumili ng tatlo hanggang 50 kilo (isang sako).
Base kay Tai, nilalayon ng programang maserbisyuhan ang 1.2 milyong housing beneficiaries.
“Hopefully, this week or next week ma deliver na sa amin housing sites yung mga bigas,” anang opisyal. RNT/SA