MANILA, Philippines- Nakipagtulungan ang Department of Agriculture (DA) sa Philippine National Police (PNP) at sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang palawigin ang Kadiwa ng Pangulo (KNP) program, para tiyakin ang mas malawak na access sa abot-kayang bilihin.
Sa hiwalay na events nitong Biyernes, pinangunahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ang paglulunsad ng KNP stores sa PNP headquarters sa Camp Crame at sa AFP headquarters sa Camp Aguinaldo.
Base sa DA, magtatalaga ng mas maraming Kadiwa stores sa mga piling police at military camps sa buong bansa.
Target ng programa ang nasa 228,000 PNP personnel, 150,000 AFP members, at mga kalapit na komunidad.
Itinatag sa ilalim ng Marcos administration, bahagi ang KNP ng pagsisikap ng pamahalaan na bigyan ang mga magsasaka at mangingisda ng direktang access sa mga espasyo kung saan nila direktang maibebenta ang kanilang mga ani sa mga konsyumer.
“This program embodies the government’s commitment to inclusive development and food security…This setup not only allows farmers and fisherfolk to earn better prices for their hard work, but also ensures that the quality products reach the consumers at an affordable cost,” bahagi ng talumpati ni Laurel sa Camp Crame.
“It’s a win-win solution for both sectors, paving the way for a more equitable and sustainable agriculture economy,” dagdag niya.
“The collaboration highlights a spirit of bayanihan that drives this program forward.”
Pinuri naman ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang pagsisikap ng DA, binigyang-diin na magreresulta ang pagiging food-secure sa mas matatag na bansa.
Samantala, sinabi ni PNP Chief Police General Rommel Marbil na patunay ang pagpapalawig ng KNP ng commitment ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kapakanan ng uniformed personnel. RNT/SA