Home METRO 8 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

8 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

MANILA, Philippines- Sugatan ang walong indibidwal matapos bumangga ang jeep sa isang truck at isang tricycle nang makatulog umano ang driver nito sa Antipolo City, Rizal, nitong Sabado ng umaga.

Batay sa insiyal na imbestigasyon, nakatulog ang jeepney driver habang nagmamaneho sa kahabaan ng Sumulong Highway, dahilan upang lumipat ang sasakyan sa kabilang lane.

Tumama ito sa parating na truck at sa tricycle.

Sinabi ni Antipolo Mayor Jun Ynares na agad na inasistihan ng city at barangay rescue teams ang mga biktima at dinala ang mga ito sa ospital.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente. RNT/SA