Home NATIONWIDE Kadiwa sites sa Pepito-hit areas target ng DA

Kadiwa sites sa Pepito-hit areas target ng DA

MANILA, Philippines – TINITINGNAN ng Department of Agriculture (DA) ang pagbubukas ng Kadiwa sites sa mga lugar na matinding naapektuhan ng Super Typhoon Pepito (international name: Man-yi) upang maging mas accessible ang mas maraming affordable agricultural commodities.

Sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa na makikipagtulungan sila sa regional at local officials.

“Doon sa mga areas na naapektuhan talaga lalo na nitong Super Typhoon Pepito, nakikipag-usap na tayo sa mga regional field offices na ma-asistehan itong mga areas na ito na malagyan ng mga Kadiwa,” ang sinabi ni de Mesa.

Ang Kadiwa ay government program na pinapayagan ang mga magsasaka at food producers na direktang ibenta ang kanilang mga paninda na hindi na kailangan pa ang intermediaries o mga tagapamagitan.

Sinabi pa ni De Mesa na matapos ang sunod-sunod na weather disturbances, ang presyo ng mga gulay, partikular na iyong mga low-land vegetables, maaaring manatiling mataas ang presyo para sa ilang oras kontra sa karaniwang two-week recovery time.

Most likely,mananatiling elevated iyong presyo ng gulay. Sabi natin noon, madaling maka-recover, pero kung wala na kasunod na bagyo. Kaya lang sunud-sunod kaya it will take some time bago maka-recover,” ang sinabi pa rin ni De Mesa.

Ang mas pinaka-apektadong lugar ay ang Ilocos, Cagayan Valley, Cordillera, Central Luzon, Southern Luzon, Calabarzon at Bicol region.

“Medyo kakaiba iyong nangyari ngayon. Nangyari naman ito before na sunud-sunod na bagyo, pero hindi sunud-sunod na typhoon, super typhoon. Iyong dati may bagyo, may low-pressure area, nakakahinga. Ngayon talaga medyo ang hirap kasi sunud-sunod na ang lalakas,” aniya pa rin.

Para sa mga lowland vegetables, mino-monitor ng DA-Bantay Presyo ang patuloy na pagtaas ng presyo sa Metro Manila mula sa Oct. 31 prices.

“Bitter gourd (ampalaya) now ranges from P130 per kilogram to P200/kg, higher than P80/kg to P180/kg.; eggplant at P150/kg to P220/kg from P110/kg to P130/kg; and tomato, which now ranges from P140/kg to P230/kg, higher than P130/kg to P210/kg,” ayon sa DA-Bantay Presyo.

“For highland vegetables, green and red bell pepper logged the highest price spike — green at P190/kg to P500/kg from P220/kg to P370/kg; and red at P280/kg to P450/kg from P370/kg. White potatoes also increased to P140/kg from P110/kg,” ayon pa rin sa DA-Bantay Presyo.

Bina-validate naman ng DA-Disaster Risk Reduction and Management Operations Center ang mga report ng epekto ng bagyong Pepito.

“Nasa more than PHP10 billion na iyong damage before pa si(The damage has already surpassed PHP10 billion even prior to) Pepito,” ang sinabi ni De Mesa.

Nauna rito, iniulat ng DA na may P9.8 bilyong halaga ng pinsala kasunod ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine (Trami) at Typhoon Leon (Kong-rey), at halos P250 million mula sa epekto ng Bagyong Nika (Toraji) at Super Typhoon Ofel (Usagi).

Para sa interbensyon, naglaan ang DA ng P541.02 milyong halaga ng agricultural inputs kabilang na ang rice at vegetable seedlings, fertilizers, at biologics para sa mga apektado ng Kristine at Leon; at P84.88 million para sa Nika at Ofel-affected agri sectors.

Kasama rin ang P667 million indemnification fund para sa mga insured farmers; P25,000 loanable amount kada farmer payable sa loob ng tatlong taon na may zero interest; deployment ng Kadiwa trucks; patuloy na distribusyon ng calamity rice mula sa National Food Authority; at paggamit ng P1 billion quick response fund, bukod sa iba pa. Kris Jose