Home ENTERTAINMENT Kahit buntis, Alex, nang-aakit pa din sa asawa!

Kahit buntis, Alex, nang-aakit pa din sa asawa!

1
0

Manila, Philippines – Even when already heavy with a child, nakukuha pang mang-seduce ni Alex Gonzaga sa kanyang mister.

You read it right.

May ipinost na video ang vlogger sa Reels.

Ito’y kung saan kahit malaki na ang kanyang tiyan ay inaakit niya ang asawang si Mikee Morada.

Caption niya: “Attempting to seduce my husband during my trimester.”

May pahabol pa si Alex na: “Feeling ko, naseksihan naman siya!”

More than reacting to the video, sey ng isang netizen na excited na sila sa panganganak ni Alex.

May isa namang netizen na nangsaway na sa behavior nito.

“Tumigil ka na daw, Catherineeeee!” sey nito.

Sinaway din si Alex ng kanyang mismong mister na: “Huwag ka masyadong malikooot!”

Obyus na nag-aalala si Mikee sa paggiling-giling ni Alex, so are the concerned netizens.

Anila: “Baka mapaanak ka nang ‘di oras!”

“Na-stress tuloy si Mikee sa ginagawa mo!”

“Seductive ka na sa paningin ni Mikee…huwag mo na siyang i-seduce!”

“Saka mo gawin ‘yan pag nanganak ka na…para sexy ka uli!” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here