Home TOP STORIES Kahit mabigat sa loob, Sen. Tol tatalima sa Senate rules on impeachment

Kahit mabigat sa loob, Sen. Tol tatalima sa Senate rules on impeachment

MANILA, Philippines – TINIYAK ni Senate Majority Floor Leader Francis “Tol” Tolentino na kahit mabigat man sa kanyang damdamin ay handa nitong gawin ang kanyang sinumpaang tungkulin na sumulat ng “Senate Rules on Impeachment” na magiging panuntunan sa gagawing paglilitis sa nakahaing impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

“Even without my liking and acceptance, I will be place in a position which probably would require inspiration and courage, coming from you,” pahayag ni Sen. Tolentino sa kanyang talumpati sa harap ng mga opisyal ng Liga ng mga Barangay Zamboanga Chapter na ginanap sa Grand West Side Hotel sa Paranaque City nitong Huwebes ng umaga.

Kasabay nito ay hiniling din ni Sen. Tolentino sa mga opisyal ng barangay na tulungan siya sa pamamagitan ng kanilang dasal, na magkaroon ng sapat na lakas ng loob na makapagsulat ng wastong dokumento na magiging patas, parehas, at may layunin na makakamit ang tamang hustisya.

Giit ni Sen. Tolentino, bilang isang abogado ay madali lang para sa kanya ang gumawa ng dokumento subalit ang ganito aniyang panuntunan ay gagawin niya ng mabigat sa kanyang kalooban kaya kinakailangan niya ang taimtim na pagdarasal bago niya ito likhain.

Bilang Majority leader ng Senado, si Sen. Tolentino ang dapat mamuno sa Committee on Rules na naatasang gumawa ng mga panuntunan at tumulong, lumikha, makipag-ayos, at dumepensa sa mga programang pang-legislatura. RNT