Home NATIONWIDE Mga Pinoy na nasakote sa Pogo hub sa Pasay ‘di na ituturing...

Mga Pinoy na nasakote sa Pogo hub sa Pasay ‘di na ituturing na inosente, kakasuhan na rin

211
0

MANILA, Philippines- Kakasuhan na sa paglabag sa batas ang mga Pinoy na kabilang sa mga dayuhang naaresto ng Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) sa isang POGO operation sa lungsod ng Pasay.

Sa ambush interview kay CIDG Chief P/ Major General Nicolas Torre kasabay ng pagsalakay ng PAOCC sa isang POGO hub sa One Will Condominium sa Lunsod ng Pasay, sinabi ng opisyal na hindi na maituturing na biktima ang mga Pinoy at maaari nang kasuhan.

Giit ni Gen Torre, hindi na pakakawalan ang mga Pinoy at isasailalim sila sa imbestigasyon at kung mapatunayang kabilang sila sa operasyon ng scamming activities ay mananagot sila sa batas.

Kaugnay nito, ipinakita ni Gen. Torre sa media ang ilang aparato ng text blasters na inahahalintulad sa isang cellphone na may 30 pirasong sim card na kayang mag-text blast sa mga numerong kanilang bibiktimahin. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here