Manila, Philippines – Usap-usapan ngayon sa social media ang Sunset Concert sa Hakot Relay Run kung saan itinampok ang P-Pop girl group na KAIA.
Umani ng malakas na sigawan ang KAIA mula sa concertgoers, na nagpapatunay na sikat na talaga ang grupo. Ang official single ng KAIA na BLAH BLAH ay talaga namang isinigaw at ni-request ng kanilang supporters.
Kasama rin sa Sunset Concert ang G22, Press Hit Play, at ang tambalang BREKA (Brent Manalo at Mika Salamanca).
Ang Puregold Hakot Relay Run ay ginanap sa Burnham Green Park, Luneta, na dinaluhan ng libo-libong participants bilang pagpapatibay ng patuloy na pagsusumikap ng kompanya na magtaguyod ng mga inisyatibo para sa komunidad, alinsunod sa estratehiya ng brand para sa paglago ng mga kostumer nito.
Pinaghalo ng nabanggit na kumpanya ang isports, entertainment, at karanasan ng hakot. Ipinakilala ng tatlong kilometrong relay na ito ang kakaibang lapit sa tradisyunal na format ng mga fun run.
Dahil sa pagkasabik at saya, nagsama-sama ang mga pamilya, barkada, at komunidad sa paraang Puregold lamang ang nakagawa. Panalo na ang lahat ng kalahok dahil nag-uwi sila ng Puregold Hakot Relay Finisher’s Medal, opisyal na race singlet, at ang grocery sling bag na nilikha para sa aktibidad.
Ayon kay Puregold President Vincent Co, na pinangunahan ang mga naunang tumakbong kalahok, “Maraming anyo ang panalo. Bagong panalo ito para sa amin, dahil lumikha ang Puregold ng mga sandaling bumubuo ng ugnayan ang mga pamilya, kaibigan, at komunidad. Ibinigay iyon sa amin ng Hakot Relay Run.”
Ang tagumpay ng Puregold sa kauna-unahang Hakot Relay Run ay patunay ng potensyal para sa mas malikhaing inisyatibo na magpapatatag at magpapalalim ng pagmamahal ng mga kostumer sa Puregold.