Home NATIONWIDE Proteksyon at kapakanan ng couriers, riders ipinanawagan ng DICT

Proteksyon at kapakanan ng couriers, riders ipinanawagan ng DICT

278
0

QUEZON CITY  – Nanawagan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa lahat ng Private Express at Messengerial Delivery Service (PEMEDES) operators na unahin ang kapakanan at proteksyon ng kanilang mga courier at rider.

Binigyang-diin ng DICT na “rider welfare is essential to sustainable and responsible industry growth.”

Hinihikayat ang mga operator na tulungan ang mga self-employed o independent riders na magparehistro sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG Fund, at magbigay ng personal accident insurance na sumasaklaw sa panganib habang nasa duty at sa mga emergency medical expenses.

“Ang mga hakbang na ito ay mahalaga sa responsableng pagpapatakbo ng industriya at sa pagpapatibay ng PEMEDES ecosystem,” ayon sa DICT, na nagdagdag na imo-monitor ang pagsunod ng sektor.

Noong Agosto, inilunsad din ng departamento ang National Amnesty Program para sa colorum PEMEDES companies, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pabilisin ang formalization at regulasyon ng digital at logistics services sa bansa. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here