Home METRO Kalahok sa INC Peace Rally 1.2M na

Kalahok sa INC Peace Rally 1.2M na

MANILA, Philippines- Dumarami pa ang nakikilahok sa ngayong araw sa National Peace Rally ng Iglesia ni Cristo sa Quirino Grandstand.

Hanggang alas-11 ng umaga, umabot na sa 1.2 milyon ang sumama sa nasabing religious activity bilang suporta laban sa pagsisikap na alisin sa gobyerno at i-impeach si Vice President Sara Duterte.

Kahapon pa lamang ay may nagtungo na sa Quirino Grandstand partikular sa Rizal Park upang magpalipas ng gabi para sa gagawing aktibidad ngayong Lunes.

Nagmula pa sa iba’t ibang lugar ang mga kasapi ng INC upang makiisa sa rally.

Dahil sa inaasahang pagdagsa ng maraming tao, ang Manila Police District (MPD) ay nagtalaga ng higit 500 personnel para sa maayos at payapang aktibidad.

Ayon sa MPD, tataas pa ang bilang ng mga dadagsa sa Quirino Grandstand dahil hanggang mamayang hapon pa tatagal ang peace rally. Jocelyn Tabangcura-Domenden