Manila, Philippines- Proud na ipinasilip ni Winwyn Marquez ang kanyang kaseksihan sa kanyang latest post sa 2025.
Sa kanyang suot na bikini, hindi mo maaaninag na nanganak na siya dahil na-maintain niya ang kurba ng kanyang balingkinitang katawan.
Marami rin ang pinahanga ng beauty queen-actress sa kanyang disiplina para maibalik niya ang kanyang pigura noong panahong hindi pa siya isang ina.
Katunayan, para sa ilan, mas fierce ang look ngayon ni Winwyn.
Pinusuan din ang photos niya ng kanyang mga kaibigan at kapuwa celebrities.
Ani Cassy Legaspi: “tapakan mo ako teresita.”
Reaksyon naman ni Kuya Kim Atienza: “Omg!”
Komento naman ni Megan Young: “WOOOOOOO!!!!”
Hirit naman ni Michelle Dee: “Uh huh!!!!”
Sabat naman ni Nicole Cordovez: “GURL.”
Samu’t-sari naman ang naging reaksyon ng netizens nang maibahagi ito sa isang portal.
Opinyon ng iba, naghahanda raw ang beauty queen sa posibleng pagsali muli sa beaucon.
Ito ang kanilang mga sey: “mas fierce yung look nya ngayon kesa nung nanalo sha ng hispanoamericana.”
“Why not, she’s got the body and the brains too anyway. Unless ang sasalihan nya may age restriction at kelangan walang asawa or anak. Baka wish nya madagdagan pa ang beauty title nya.”
“Ang sexy ni Wyn! So happy she’s in good shape!”
“Grabe parang di nanganak”
“Yes mag MUPH sya”
“Kung matangkad sana ito bongga sya for muph.”
“I think she’s perfect for MU, kahit hindi sya katangkaran, hindi lang sya long legged.”
“Mas gusto ko naman siya kaysa kay Michelle. Kinapos lang sa height.”
“Kaya ng heels yan at confidence niya sa pagtayo at pagrampa. Glam team kunin niya yung kina Kim C. o mismong kay Pia. Tama ka, kadating niya impact ng performance niya at confidence ni Pia.” Archie Liao