MANILA, Philippines- Naranasan ng Baguio City ang pinakamalamig na panahon sa kasalukuyan sa gitna ng northeast monsoon o “amihan” season, kung saan bumaba ang temperatura sa 13.8 degrees Celsius (°C), base sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Enero 12.
Ito ang pinakamababang temperaturang naitala sa lungsod mula nang umiral ang 2024-2025 northeast monsoon season.
Iniugnay ng PAGASA ang malamig na panahon sa amihan.
Narito ang top 10 stations na nakapagtala ng pinakamababang air temperatures nitong Linggo: Baguio City (13.8℃); Itbayat, Batanes (17.5 ℃); Malaybalay, Bukidnon (18℃); Casiguran, Aurora (18.2℃); Tanay, Rizal (19.1℃); Abucay, Bataan (19.4℃); Calayan, Cagayan (19.9℃); Baler, Aurora (20℃); Sinait, Ilocos Sur (20.2℃); at Tuguegarao City, Cagayan (20.4℃).
Anang PAGASA, patuloy na magdadala ang amihan ng mas malamig na air temperatures, partikular sa eastern sections ng bansa. RNT/SA