Home METRO Kalamansig, Sultan Kudarat niyanig ng M-5.1 quake

Kalamansig, Sultan Kudarat niyanig ng M-5.1 quake

MANILA, Philippines- Tumama ang magnitude 5.1 na lindol sa Kalamansig, Sultan Kudarat nitong Lunes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naitala ng alas-8:19 ng umaga, sinabi ng PHIVOLCS na ang lindol ay may depth of focus na 546 kilometers at tectonic.

Inaasahan ang aftershocks kasunod ng lindol, dagdag nito.

Wala pang inilalabas na impormasyon ang PHIVOLCS sa naiulat na intensities sa lindol. RNT/SA